January 3, 2020

It was Ayumi’s 7th Angelversary.

I can’t believe that it’s been 7 years already. Parang kahapon lang…

Masakit pa rin.

I was so moody every time her death anniversary is coming. I can’t help but be sad and angry at the same time. I still have this feeling of anguish that I can’t have her anymore.

Some may thought that I already let go.. but I don’t really know. Para kasi akong naagawan, nanakawan ng anak na hindi ko alam kung papano nangyari. Basta may time na sobrang sakit pa rin. Na kahit saan man ako tumingin ay hindi ko maintidinhan. May time na sarado ang isip at puso ko, parang lahat ng paliwanag na alam kong kaya kung intindihin pero hindi ko magawang intindihin.

Yon yong time na gusto ko lang umalis at sumigaw… gusto kong mawala na lang… yong sobrang sakit pero hindi mo alam kung papano ayusin sarili mo. Yon yong time na parang wala na akong maintindihan kasi nilalamon na naman ako ng sakit. Yong kahit gaano ka katalino ay naging empty ang utak mo… wala kang gustong unawain kasi nasaktan ka.

Yon…

Iniiyak ko na lang ang lahat…

Dinadaan sa tulog…

nagpakabusy…

at umaasa na lilipas din lahat…

na sana pag gising ko ok na ako.

Minsan pag gising ko.. hindi pa rin ako okay.. ganon lang ulit, sinasabayan ko na lang… gumagawa na lang ako ng ibang bagay para madistract ako.

Tapos tutulog ulit kapag pagod na pagod na…

at umaasa na sa paggising ko ok na ako..

Minsan naman naging ok na.. at yon tuloy tuloy.. unti unti na akong babangon.. maging normal na ulit…

pero may time na biglang sobrang sakit na naman…

kaya habang hindi ko pa nararamdaman ang sobrang sakit, sinasamantala kong maging normal lahat…

at alam ko walang katapusan to… paulit ulit lang hanggang maging manhid..

hanggang maging new normal na…