Thoughts…

let the tears cleanse the worries and sadness trapped inside the eyes..

 

Sometimes I don’t want to watch the news anymore because it just made me sad. I checked my FB news feed and sometimes I don’t like what’s in there…

I just wish that we are living in a happy world… but we are not…

Because in a reality… maraming sakit..

In the past few days, I read and follow the case of Jam Sebastian of Jamich. When I heard about his sickness last year I really wish that he will survive, but he just passed away last Wednesday.

I know the feeling na mawalan ng anak. Alam ko na mas mahirapan ang mommy nya sa situation na to. Alam ko yong feeling na parang ninakawan ka ng taong pinakamamahal mo. Alam ko yong feeling na paggising mo parang hindi mo alam kung saan ka mag uumpisa. Alam ko yong feeling na parang may parte sa puso mo na nawala. Alam ko yong feeling na parang may malaking butas sa puso mo na kahit sinong tao ay hindi kayang palitan yon. Alam ko yong feeling na gusto mo pang lumaban pero kahit anong gawin mong laban ay wala ka ng magagawa. Surrender na dapat.

Yong feeling na wala ka ng maiiyak kasi tuyong tuyo na talaga. Yong feeling na parang lutang ka na lang, wala ka ng direction sa buhay. Lahat yan naranasan ko at sana lang wala ng magulang na katulad ang makaexperience na mawalan ng anak dahil sobrang sakit talaga. Sakit na kahit kailan hindi ko maipaliwanag. Na kahit hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin.

Minsan paggising ko, yon agad ang nararamdaman ko. Lahat ng mga nangyari kay Ayumi ay bumabalik sa akin. Na parang gusto kong sabihin sa sarili ko na hindi yon nangyari pero paano ko maideny eh ramdam na ramdam ko ang sakit. Kapag may nakikita akong bata na sana kasing edad na nya ay naiisip ko agad sya. Iniisip ko kung ano na kaya sya ngayon, ano na kaya ang mga nasasabi nya. Ano na kaya ang mga hilig nya? Maging favorite din ba nya ang Frozen? Kakantahin din ba nya ang theme song non? Siguro nag aaral na sya? Ano kaya ang mga kwento nya sa akin?

Marami.. sobrang dami ko pa sanang gustong maexperience na kasama sya at yon ang pinagkait sa aming mga magulang na nawalan ng anak. Yon ang experience na gusto naming maranasan pero hindi na, malamang hanggang pangarap na lang.

Ok ka na? Yan ang palagi kong naririnig na tanong sa akin. I just say yes…  Yes, dahil ayoko ng magpaliwanag kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin. Yes, dahil sawa na akong magkwento. Yes, dahil ayokong magkwento ng malungkot at baka sabihan lang ako ng “good vibes” lang sana.  Yes, dahil minsan ako pa ang nangangapa sa mga taong kaharap ko kung ready ba silang makinig sa kwento ko. Yes, dahil yan ang gustong marinig nila sa akin.

Madaling magpakita na okay ka na. Pero may mga araw din na ayoko ng magpaka okay. Minsan I give myself a chance to be sad, dahil alam kong kailangan nya yon. Dahil alam ko na kailangan ng sarili ko na maramdaman yon at most of the time, dapat mag isa lang ako dahil ayokong may ibang tao maapektuhan dahil sa mood ko.

Yan ang totoo…

I pray so hard this time to those who also lost a child, I hope that in time we will find out why it happened to us and I hope God will give us more strength to accept the things we can’t control.

God bless everyone!