Universal Studios Osaka

The reason why we went to Osaka first is because of Universal Studios!

Yes we love theme parks! Our goal is to bring the kids to the theme parks worldwide! yay! I can’t wait to bring them anywhere! We will make more happy memories together!

Anyway, it took us 2 hours before we arrived in Universal Studios Osaka. Naligaw na naman kasi sa train. Mali ang nasakyan namin… kailangan pa naming bumalik sa station kung saan kami galing.

Anyway, kasama na talaga yan sa pag explore ang maligaw.

I’m glad we reached right on time. Hindi mahaba ang pila at dahil medyo gutom na kami, kumain muna kami bago kami nag explore.

Ang goal talaga namin ay mapuntahan ang Harry Potter Theme…

So eto na…  ang saya saya ni hubby!

PUmila kami ng napakahaba.. only to find out na yong pinasok pala namin ay kailangan magrides! Yong parang nasa stick ka nakasakay!

My God, hindi ako ready! akala ko simpleng rides lang… yon pala para kang nasa loob ng washing machine!

The whole time nasa ride ako ay nakapikit ako. As in nakakapit lang ako don sa rides at nakapikit! Rinig ko lahat ng pangyayari pero hindi ko kayang imulat mata ko dahil sobrang nakakahilo talaga!

And yes.. akala ko atakihin ako ng vertigo ko.

My goodness! pagkatapos don parang nanlambot ako at umupo na..

Nagpahid na ako ng mga essential oils… after ilang minutes naging ok na rin ako! nakakaloka! hindi ko na uulitin yon!