Kumusta na Ako?

Ayan September na…

Ang bilis ng araw…

If i have to look back, so many things had change. So many things I’ve learned. Sobrang dami na palang nangyari.

Kumusta na ba ako?

Minsan parang ayoko na lang itanong yan sa sarili ko. Minsan parang ayoko na lang irealize ang mga bagay bagay. Ang ginagawa ko na lang kasi ngayon ay nag focus ako sa araw araw na nangyayari sa buhay namin. Kung ano ang nakahain na dapat gawin don ako nag focus. Kung ano ang kaya kong icontrol, don na ako nagfofocus.

May mga tanong pa rin… Pero nakakapagod na.

May mga araw na mahirap pa rin intindihin pero hindi na katulad dati na halos don na lang ako nakatingin.

Marunong na ako ngayong pumili kung ano ang dapat kong unahin at pansinin. Yong mga bagay na masasakit kaya ko ng isantabi muna. Dahil may mas mahalaga akong kailangan gawin.

Pwede pala yon…

Akala ko non malulugmok na ako.

Akala ko non hindi na ako makabangon.

Akala ko non katapusan na..

Pero marunong ang Diyos.

Mas lalo nya akong pinalakas. Mahirap sa umpisa.

Hirap na hirap ako pero hindi NYA ako pinabayaan.

Siguro may mga bagay talaga na kailangan lang nating pakawalan.. para mabawasan din ang bigat ng dinadala natin.

May mga tao sa buhay natin na kahit miss na miss na natin, tingin na lang tayo sa langit at buntonghininga… dahil yon na lang ang pwede nating gawin.

Gustuhin man nating makasama sila ulit pero alam natin na hindi na pwede.

Malamang kasama pa rin natin pero hindi na natin nakikita. So bilang tao, parang wala pa rin yon.

Pero kung pairalin natin ay ang ating faith, don natin maintindihan ang lahat.

Don natin unti unting masasagot ang mga tanong natin.

Oo, masaya na ako ngayon, dahil hindi na ako bumabase don sa nawala sa akin. Dahil dito na ako nakafocus sa kung ano ang binigay sa akin ng Panginoon.

At pwede pala yon….

 

Tiwala lang tayo sa Kanya.