>Ordinary Day

>
Today is just like any ordinary day.

Nasa bahay lang kami at eto nagwowork. Hindi na masyadong grabe ang morning sickness ko. Kaya ko ng magtoothbrush ng matagal hindi katulad last week na nasusuka ako sa lasa ng toothpaste. I love eating sampalok and strawberries pa rin.
Excited ako this Wednesday kasi mamimili na kami ng handa namin sa New Year. I will be buying more fruits. Nasanay na rin kasi ako na gawin yon every year. We will also prepare mango float. Excited si hubby kasi favorite nya ang mango float.
We will be having our yearly reunion with my relatives in Pasig. Excited kasi magkita kita ulit kami ng mga makukulit kong pinsan, titos, titas, inaanak at pamangkins. Meron pang exchange gift.
Ang iba ko namang kapatid uuwi sa laguna kasi don mag New Year. Nasanay na rin kasi silang mag New Year don sa bahay. Dapat lang don sila para naman magkaroon ng tao don sa bahay. Mahirap kasi kung wala. Minsan naisip namin na lumipta ng ibang lugar pero kapag naisip namin na andon si Papa nilibing naisip ko na hindi pala kami dapat mawala sa lugar na yon. Kaya eto plano kong bumili ng lupa don para magkaroon talaga kami ng sariling bahay don. Kahit bahay kubo lang basta sa amin na talaga. Sana matupad yon this coming year.
Si Gareth wala na pala syang lagnat pero parang hindi pa rin lumabas ng tuluyan ang ngipin nya. hay hassle talaga yan.. pero dapat magtiis talaga sya.
Si Mama naman tatawagan na lang namin sya sa New Year and as usual magpadala ako sa kanya ng panghanda nya ngayong New Year. Gusto sana naming umuwi don sa summer, kaso kailangan mag ipon kasi manganganak ako next year. Kaya malamang hindi kami matutuloy.
Malaki ang pasalamat ko kasi madami kaming work ngayon, kahit papano makapag ipon agad kami para maexpand pa ang business namin. We will be opening a new store soon para sa overruns items. Baka magbukas kami this coming February. Ginagawa ko pa ang business plan namin for next year at sana mareach namin ang target namin.
Plano kasi talaga namin mag invest ng mag invest pero dapat meron din return of investment para pang support sa binili naming property.
I am planning of reading more business and investments books para mas maging wise ako pagdating sa level na yon. This is also one way of securing our future.
Anyway, madaming nangyayari lately, katulad na lang ng sunod sunod na pagkalunod ng barko. Personally, nalungkot ako kasi bago nangyari yong trahedyang yon nanaginip ako na mangyayari yon. Hindi ko yon pinansin agad, akala ko kasi parang flashback lang. Sana wala ng hahabol pa na trahedya. Sana tama na ang mga nangyaring hindi maganda.
Let us all pray and continue hoping na maging maayos na lahat.
That’s all for now.. Goodnight!