>Saturday at Serendra

>

Kapag Monday hanggang Friday ay sobrang busy talaga kami. Kahit sa bahay lang ang work namin ay halos hindi na kami makakain sa tamang oras. Minsan ang sakit na rin ng balakang ko kakaupo dahil sa dami ng work. Of course… hindi ako nagrereklamo.. sinasabi ko lang.

Anyway, we decided to go out with kids today since Saturday naman. Dinala namin sila sa Serendra. Natuwa naman si Gareth kasi ang laki ng space na pwede nyang takbuhan at si Pillow naman natuwa sa mga fountain.
Pagkatapos ay kumain na kami. This time mas pinili namin ang Filipino Food kasi kasama din namin ang dalawa kong kapatid na mahilig sa kanin. Nag enjoy naman sila. Si Gareth at Pillow ay parehong behave habang nasa restaurant kami. Hays… mabuti naman at marunong na silang magbehave.
After Serendra, nagpunta na kami sa store namin sa Dampa sa Libis then go to Eastwood para mag coffee at icecream.
Tapos umuwi na kami ng bahay na tulog na tulog si Pillow at si Gareth naman ay kanta ng kanta sa loob ng sasakyan.
As a mom… I am happy and contented…
We had a great day and very thankful!
XOXO

Comments are closed.