Get up…

There are better days… mababasa  nyo naman siguro dito sa blog ko. I don’t really pretend. What you see is what you get. People thought that I am always bubbly but I also have my downtime.

There are days that I hate going up.

But..

I can’t do it. There are so many people who are depending on me. Kung dati siguro to na wala namang umaasa sa akin at wala akong company na pinapatakbo,  malamang lugmok na ako. Kung susundin ko lang ang nararamdaman ko, malamang wala na ako ngayon. Siguro bumigay na ako. Nang dahil sa mga tao na umaasa sa akin at sa negosyo kaya andito pa ako. Unfair naman sa kanila kung sisirain ko ang buhay nila ng dahil lang sa nagluluksa ako.

Yes, medyo matagal pero habang tumatagal mas lalo palang masakit. Mas madami akong namimiss. Mas marami ang tanong na hindi nasasagot.

May mga araw na kaya kong dalhin lahat pero may araw din na hindi na. Na gusto ko na lang mag isa, mag basa ng libro at mag isip ng mag isip.. hanggang sa mapagod.

Hanggang sa ibabaling ko na lang sa trabaho, sa pag aalaga sa mga anak at sa pag asikaso sa pamilya. Paulit ulit lang.. cycle lang naman lahat yan eh. Minsan masaya, minsan malungkot.

Kaya kapag ganon na, ayan mag iisip ng kung ano ang pwedeng gawin kasi hindi pwedeng malugmok. Hindi pwedeng tumigil. Ayon susunod na ang mga travels ko at shopping time. Magastos pero ganon talaga… Kailangan gawin.

Napupunta ang isip ko sa pagshopping online, pagpunta sa mall, iikutin lahat ng sulok hanggang sa mapagod. Hanggang mapadpad sa coffee shop at don iinom ng kape na palagi ko na ring order ever since.. yes, hindi ako nagsasawa. Sasamahan pa ng mga pastries na alam kong bawal dahil sa diabetes. At don mag iisip na naman na baka tataas ang sugar at pag uwi take na naman ng meds. Paulit ulit… hindi ko alam kung kelan matatapos.

Masaya ba ako?

Marami ang nagtatanong sa akin nyan. Simpleng tanong pero minsan mahirap sagutin. Depende siguro sa mood ko. But generally…

Yes, I am happy. Totoo yan…

Kahit marami ang nangyaring hindi maganda, kahit alam ko sa loob ko na durog na durog na ako, masasabi ko pa rin na masaya ako. Kasi hindi ako nagfofocus sa mga bagay na wala ako. Hindi umiikot ang mundo ko sa mga bagay na kung saan ako nasaktan. Mas binibigyan ko ng halaga ang mga bagay na meron ako.

Katulad ng mabait na asawa, magandang trabaho, maayos na negosyo, 3 anak (isa nasa langit), mga kapatid na supportive, maayos na emplyado, maayos na tirahan at iba pa.

Tingin ko normal lang na minsan nalulungkot tayo dahil namimiss natin ang mga tao na nawala sa buhay natin at hindi naman tayo manhid na basta na lang sila burahin sa buhay natin. As for me, I will forever cherish the memories I had with my lost love ones. I will never ever forget them and I will continue to honor them for the rest of my life.

But…

After all the troubles.. we should get up and pick up the pieces and learn to live our life the best way possible.

God has a reason for everything that happens. He will not put you through something you are not strong enough to handle in his eyes. Be patient and let God take you on the path he has made especially for you <3