Date sa Tagaytay

After my stressful meeting last Friday at dahil sa sobrang traffic, na late ako ng almost 30 minutes sa meeting ko. Panay na nga hingi ng pasensya ko sa kausap ko. Actually 2 hours before my meeting ay umalis na kami ng bahay at sa Mandaluyong lang ang meeting ko ha pero dahil nga Friday grabe talaga… late ako.

Hindi na ako magset ng meeting ng Friday ng lunch time, dapat ang meeting ko late afternoon at hanggang gabi na yon at dapat within the area lang lahat para hindi ako malate. Nakakahiya sa kausap ko.

 

After my meeting we went to Tagaytay. I have some work to do at gusto ko don magrelax.

We went to Bag of Beans pero walang wifi kaya ayon umalis na rin kami. Kahit phone signal wala kaya kailangan lumipat.

 


  

Then we went to Starbucks at don ako nakapagwork. After kong magwork nagmadali na rin kaming umuwi kasi ayokong umagahin sa Tagaytay.