Still My Favorite

I am quite sad this past few days…

Madaming inaasikaso… madaming dapat aayusin.

Nakakaloka!

Araw araw kailangan lumabas ako. May mga dapat kausapin…  at hindi lang yon, yong naghahabol ka ng time para maging maayos lahat.

Yong ikaw lahat nagdedesisyon at kailangan mong magdesisyon agad kasi kung hindi madaming maapektuhan at hindi maumpisahan.

Nakakaloka!

Yong miss na miss mo ng tumambay lang sa bahay… yong wala ka lang dapat iisipin.. Yon ang nakakamiss.. yon ang hinahanap ng katawan ko.

Yon ang gusto kong gawin pero hindi pwede…

Hindi dahil kailangan kong mag isip, kailangan kong lumaban sa buhay at hindi magpatalo sa mga problema.

 

Ganon.. ganon ang mentalidad ko lately…

 

Pero okay na rin to, okay na rin kasi busy ako at may pinagkakaabalahan. Eto naman ang gusto ko eh, pero grabe naman yata ang binuhos sa akin ngayon. Nakakabigla…

Minsan ang katawan at utak ko parang hindi ready.. pero bakit ganon, parang alam ng puso ko na dadating lahat to.

Parang nakaready sya…

Pero ang ibang parte ng katawan ko kailangan mag cope up… kasi kung hindi malamang manghihina sila.

Minsan kailangan talagang mag vitamins para kayang lumaban sa stress…

Pero walang tatalo sa tulog.. walang tatalo sa tamang pagkain at tulog.

Pero alam mo kung ano talaga ang nagbibigay sa akin ng energy.. ay yong makasama ang mga anak ko, yong time na matutulog na sila at katabi ko sila. Yon.. so perfect na yong ganon.

Doon pa lang babalik na agad sa 100% ang energy level ko at siguradong okay na agad ako.

Kaya nga nong may chance ako na makasama ko sila sa gabi, ayon grab agad. Ang sarap lang na panuorin silang tulog na tulog at kontento kasi kasama nila ako.

I realized that I should always do my best para sa future nila. Na kung ano man ang pinagdadaanan ko lately, magiging okay din lahat as long na magkasama kami.