Movie Night

So here is the thing…

I was not blogging recently for so many reasons…

I am not doing good… super stress ako lately.

Galit ako..

Minsan gusto ko na lang manigaw pero hindi ko pwedeng gawin…

Kaya para wala akong masaktan hindi na lang ako umiimik.

Nagtatago na lang ako sa kwarto at ginagawa ang school papers ko.

Nag aaral na lang ako. Kailangan ko kasing i-divert ang attention ko.

Yes ganito ako kapag may gusto ako tapos hindi ko nakukuha. Alam nyo yong ginawa mo na lahat pero parang wala pa ring results.. so frustrating…

I just need to blog it kasi alam ko dadating ang time na babalikan ko na lang tong blog kong to lalo na kung malampasan ko na lahat ng challenges  ngayon. At least kapag dumating yong time na yon masasabi ko sa sarili ko na grabe pala talaga ang pinagdaanan ko.

Sa totoo lang, kapag nababasa ko yong posts ko nong time na nawala daughter ko sobrang sakit pa rin sa akin. It reminds me that I had those pains… at alam nyo  yon yong mahirap kasi  akala ng iba sobrang okay na ako pero hindi pa rin talaga. Maraming beses na bumabalik ulit lahat yon, parang nightmare at don magstart ang anxiety ko. Nakakaloka pa rin… at yong feeling na yon kailangan kong labanan.

Anyway, nagstart ang linggo ko na sobrang pangit. Akala ko talaga sasabog na ako. Some people don’t respect my time at yan pa naman mahalaga sa akin. Supposedly, I had a meeting around 3pm at kailangan kong gumising ng mas maaga and to think puyat pa ko that time. Ginawa ko lahat para makarating sa meeting place ng maaga tapos pagdating don cancel lang pala without informing earlier before the meeting.

Nakakainis!

Feeling hopeless ako that time…  Feeling ko the rest of the week sira na.

So we went back to the office.. just go with the flow.. just go working.

Pero deep inside me inis na inis na talaga.

then I decided to take my actions.. hindi dapat magdepende sa ibang tao kaya ayon ako na kumilos.

Then Wednesday come…

I had a successful meeting…

So medyo happy na ako..

We watched movie, had dinner then got my new books.

 

It was a crazy week! Alam ko hindi pa tapos to.. marami pang ganitong situation but I will not let those bad moments of my life controls me.