Random Things

I’m back of my walking exercise if I am not busy with my meetings.

I spend at least 45minutes while watching Netflix.

Then on the next day, nakalimutan kong kumain, nag low blood sugar… hilong hilo ako at to the rescue ang coke. Mabuti na lang may stocks sa office.

mga ilang buwan na rin na hindi namin kasama si Gareth sa room kasi minsan late na kmi natutulog at nadisturbo ang tulog nya. So nilipat na namin sya sa kabila pero everytime na alam na nyang gising na ako, ayon papasok sya sa room at maglalambing.

Nakakatuwa lang kasi feeling nya baby pa rin sya. Gusto pa rin magpabuhat at panay ang kiss.

I’m really happy na ganyan sya kasi karamihan sa mga special child ay ayaw nila ng physical contact, pero si Gareth gusto nyang nakayakap sa akin palagi. I’m so lucky na ganyan sya.

Sometimes he is bringing his laptop sa room para lang makasama nya ako. He loves doing it kapag wala Dad nya sa room. Ayaw talaga niya akong iwanan mag isa.

Minsan pa kapag sobrang stress na ako at moody na, bigla na lang syang lalapit at ihug nya ako just to calm me down. Kapag alam nya na medyo stress na ako, parang apektado sya. Ginagawan nya talaga ng paraan na maging relax ulit ako.

Xavier is still with us in the room. I can’t sleep without him. Kapag sobrang pagod na ako, gusto ko na lang sumiksik sa kanila. Gusto ko silang amoy amoyin at yon ok na ako.

I’m so thankful to God for my kids, sila talaga ang nagpupush sa akin na maging mabuting tao.