Finally, andito na kami sa aming temporary home. 🙂
Yes temporary lang kasi we will only stay here for at least a year while waiting for the construction of our new place.
Medyo madami pa ang gagawin don kaya dito na lang muna kami.

The place is so homey and comfortable. Medyo madami lang talaga kaming gamit kaya hanggang ngayon hindi pa kami tapos mag ayos.
Since, sanay ako sa malaking masters bedroom kaya kailangan mag adjust. Basta ang nagkasya lang sa loob ng room ay ang bed at computers, okay nam kami don.

Siguro mga 3 days bago kami lumipat pinainstall na namin ang aircons sa mga rooms at sa sala para paglipat namin comfortable na kami. Pero nong first night namin medyo natakot kami kasi hindi kinaya nong breaker ang aircon kapag sabay sabay na bukas.
Kaya ayon natulog kaming hindi nakaaircon at si Xavier masama pa ang pakiramdam. Wala akong tulog… uso kasi ang flu kaya ayon may sipon, lagnay at ubo sya.
As usual, puyatan talaga. Nakakaawa sya, panay ang reklamo nya na mainit daw.

So far ayos na ang place namin pero yon nga lang hindi natransfer ang PLDT Fibre namin dito sa new place kaya eto naka Globe kami pero medyo ok din naman.

Hanggang ngayon marami pa talagang dapat ayusin at sana matapos ko lahat this weekend. Hindi din kami nakapag gym kasi dito pa lang sa bahay daig pa namin ang nag gym. Panay buhat namin ng mga gamit…

I will post pictures kapag naayos ko na ang kalat. ahaahha

Have a great weekend everyone!