Visita Iglesia 2019

We had our Visita Iglesia on a Wednesday and not a typical day but I wanted it for Wednesday because there were fewer people in the churches.

Our goal for that day was to visit Padre Pio in Batangas.

So we went directly to Batangas.

At Padre Pio Shrine

Then at Calamba Church

Los Baños Church

This church is so memorable for me because this is where I always go when I was still in college. Kapag sobrang sama ng loob ko, kapag gulong gulo na ako sa mundo at parang feeling ko hindi ko na alam ang gagawin ko, dito ako pumapasok. Umuupo lang ako sa sulok, magdadasal tapos paglabas ko medyo ok na ako. Parang nawala na problema ko.

During Holy Week, feeling down ako the whole time. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko before that, isang linggo akong may ubo siguro dahil sa sobrang init at kahit masama pakiramdam ko hindi pa rin ako nakapagpahinga. Madaming activities ang mga kids at sa office kaya puno talaga sched ko, kahit hirap na hirap na ako kakaubo, hindi ako pwedeng tumigil. Siguro isang araw lang ako nagpahinga. Isang araw na natulog ako pero hindi pa rin maayos kasi nga ubo ako ng ubo.

Tapos may iniisip pa ako…  alam mo yong feeling na may gusto ka ng mangyari pero hindi pa talaga pwede at wala kang pwedeng gawin kundi maghintay…

Sobrang feeling down talaga ako. Habang nag visita Iglesia kami yon talaga pinagdadasal ko na.

Our last Church is at St. Therese Chapel inside UPLB.

This church is also memorable for me kasi dito kami kinasal ng asawa ko. The first time I visited this church, sobrang nagandahan ako. Ang simple lang ng church. Ayoko kasing maglakad sa mahabang aisle kasi lampa ako. Natatakot akong matapilok kaya dito ang gusto ko. Pero ang reason talaga ay favorite saint ko si St. Therese. Nong high school kami sya talaga laging  kinekwento ng mga Madre. Nainlove ako kay St. Therese. Kaya nong nalaman ko na may St. Therese Chapel, don na talaga agad ang gusto ko.

So yon… I’m happy that I got a chance to visit the churches that was part of me. It’s nice to be back to a place that are familiar to me that I always considered a home.

Leave us a Message