More Pictures from Pico de Loro

During breakfast..

Si Xavier na naman ang pinakamabagal kumain…

Si Gareth naman ayan daming kinakain palagi kasi magbabad na naman yan sa beach at pool. Ayaw tumigil hanggat hindi kami aakyat sa room.

On our way to the beach…

Si Xavier naman mas gusto lang maglaro ng sand toys nya… at eto pa naiwanan namin ang toys nya nong nagpicture taking kami pauwi galing sa beach…

Pagdating pa lang namin sa beach si Gareth hindi na yan mapigilan… gusto na agad magswim. Kaya nasa bus pa lang kami nakasuot na yan ng floater, just in case na biglang tumakbo sa beach. Though marunong siyang magswim pero hindi pa rin ako kampante, may part kasi sa beach na biglang lalim.

Hindi din sya pwedeng magswim mag isa, dapat may kasama palagi..

Here’s a thing… I have a membership in a particular club pero hindi ko pa magamit gamit kasi natatakot ako… lalo na nong time na hindi pa marunong si Gareth lumangoy kaya pinaturuan ko syang magswim ng isang buong taon. Gustong gusto kasi nya ang tubig kaya hindi pwede na hindi sya marunong o ako ang mamatay sa nerbyos…

Siguro sa ngayon pwede ko na syang dalhin don sa club kasi marunong na syang magswim at nacocontrol na namin ang behavior nya. Hindi na sya basta basta tumatakbo na walang paalam. Alam na nya sumunod sa rules.

Sea always makes me feel good… so when I feel so down mas gusto ko nasa dagat ako, mas mabilis maging maayos ang mood ko. I hope someday magkaroon kaming beach house para paggising ko nasa beach na agad ako.

I hope someday…

Sa ngayon kailangan ko munang ikutin ang mga magagandang beach ng Pilipinas at ng buong mundo…

Leave us a Message