April 3, 2015
We decided to visit Hundred Islands in Pangasinan. Wala talaga sa plano namin na pumunta don, kasi ang una talaga naming choice ay pumunta sa Quezon kaya lang may parating na bagyo at ang tatamaan talaga ay ang Quezon. So we decided na umiwas sa bagyo kaya sa Pangasinan kami pumunta.
Umalis kami ng 7pm ng gabi at dumating don ng around 12 midnight. We don’t have hotel booking yet kaya don na rin kami naghanap. Swerte lang kasi may vacant pa nong dumating kami. Ang ibang hotels ay fully booked na.
Ginising pa namin ang may ari ng hotel at sobrang accommodating nya. Sya din nagprepare ng breakfast namin before our Island hopping.
At the boat
Excited na kaming mag Island Hopping. Our first stop is in Governor’s Island.
Then we passed by this island with paniki. Grabe ang dami talaga at mukhang relax na relax ang mga paniki. Nag sun bathing sila. ehhehe
Kahit may bagyo, malinaw pa rin ang dagat kaya hindi talaga ramdam don ang bagyo. But they already made an announcement na hanggang 3pm lang kami pwede sa laot kasi baka dumating na ang bagyo.
This is the Quezon Island pero hindi na kami bumaba kasi puno na daw. Wala na kaming mapwestuhan.
Nakahanap kami ng pwesto sa ilalim ng malalaking bato. Ayan relax na relax kami.
I love the white sand and the clear water. Ang sarap mag stay don ng matagal kaso dumating na ang coast guards at pinapaalis na kami kasi padating na daw ang bagyo.
As usual si Gareth ang excited maligo. Ayaw na nyang umahon pero nong ginawa namin yan sa kanya, don lang sya nakapag relax. 🙂
Masaya kasi finally nakita ko na ang Hundred Islands….
It is really more fun in the Philippines.