Bubbly Mom
Remembering My Father

Remembering My Father

 

Sa taong nagturo sa akin na maging matatag sa buhay. Na sa bawat hirap na dumadaan sa buhay ko palagi mong pinapakita sa akin na ok lang yan, tumayo ka lang. Sa taong hindi pinapakita sa akin na proud sya sa mga achievements ko pero wagas kung ipagmalaki ako sa mga kaibigan nya. Sa taong hindi nagsawa noon na ihatid at sunduin ako sa school. Sa taong mahilig magsurprise sa akin na dumalaw sa SOM nong high school pa lang ako. Sa taong palaging hinahabilin sa akin mga kapatid ko. Sa taong gumagawa ng paraan magkaroon kami ng simpleng handa tuwing bday namin. Sa taong pinaparamdam sa akin na dapat umapak ako sa lupa kapag minsan yumayabang na ako. Sa taong hintay ng hintay hanggang sa makauwi ako ng bahay galing sa party. Sa taong nag aalala kapag may sakit ako. Sa taong sobra kung magdisiplina sa anak pero bumabawi naman. Sa taong gusto akong protektahan sa lahat ng bagay kaso matigas ang ulo ko kaya kahit mahirap sa kanya pinilit nyang intindihin ang mga choices ko sa buhay. Sa taong ayaw akong padapuan ng lamok at dapat magpajama na kapag hapon na hanggang ngayon ginagawa ko sa mga anak ko. Sa taong nagturo sa akin na kapag dumilim na dapat nasa bahay na. Sa taong kahit sa huling hininga nya ay nag iwan pa ng pangako na hanggang ngayon ay tinutupad pa rin nya! Salamat Pa! Happy Birthday and Happy Fathers Day! I miss you so much! Salamat sa lahat lahat! I hope I made you proud!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to Top