Bubbly Mom
Chaos…

Chaos…

My goodness January pa lang pero grabe na.. ang daming nangyayari na sobrang nakakapagod.

Nakakaloka.. nagsasabay sabay lahat.

Mabuti na lang kasama ko tong dalawang to. Sila ang nagpaparelax sa akin.

 

Kailangan makabawi ng tulog.. dahil most of the time kulang sa tulog. Minsan naguguluhan na ang bio clock ko sa schedule ko sa work. Minsan 5 hours sleep tapos puntang office then stay ng 5 hours tapos uwi para matulog ulit ng 5 hours. Hindi tuloy tuloy ang tulog. Kaya ngayon kailangan bumawi.

 

 

During the weekend I was down with a flu. Grabe ang sakit ng katawan ko, halos hindi ako makatulog sa sakit ng katawan ko. Tapos may lagnat pa at ang sakit ng lalamunan ko. Hindi ako makalunok.

Kaya siguro ako nagkasakit para din makapag pahinga. Nakakaloka nakailan na akong pain killer pero wala pa rin. Kaya ayon nag antibiotics na ako. Tsaka pa lang gumaan ang pakiramdam ko.

Tsaka pa lang ako nakatulog ng maayos. Kakagising ko pa nga lang…

 

You will know na masama ang pakiramdam ko kapag ka nanghihingi na ako ng manggang hilaw. Yan lang talaga ang gusto kong kainin kapag may lagnat ako. Simula bata pa lang ako ganito na ako. Bigla ko tuloy namiss si Lola. Kapag may sakit kasi ako sya talaga nag aalaga sa akin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to Top