Still Sick

Friday:

I was so down! I just woke up to eat and took my meds then headed back to bed. I slept the whole time.

I woke up around 6am on Saturday because I was so hungry, I had my breakfast then just read my textbooks because I need to finish my thesis for this term. So kailangan ko ng tapusin kaso lang dahil may sakit ako kaya eto napending naman.

So kahit masama ang pakiramdam ko tinapos ko muna yong isang chapter then I feel so sleepy. I slept around 9am and so groggy with the medicines.

Before I knew it.. nagising ako ng 6pm and I was so hungry! Naduling na ako sa gutom kaya ayon bumaba na ako at kumain na.

Still not feeling well, grabe ang ubo at sipon ko and may body pains na. My God, parang more than a week na tong sakit ko. Kapag gumanda lang konti pakiramdam ko ayon lumabas na agad ako, kaya ayon bumabalik ang sakit. Nong isang araw nabasa na naman ako dahil hindi tumigil ang ulan at kailangan kong lumabas kaya ayon, bumalik ang sipon with ubo and body pains na. Pinakyaw ko yata lahat ng sakit! Ok lang na ako, wag lang mga anak ko dahil mas matindi naman ang stress non sa akin.

My God, sana gumaling na ako… dami kong gagawin at hindi na pwedeng macancel ang scheds ko next week.

By the way, kahit sa office madaming absents dahil uso nga ngayon ang may sakit. Kaya, I hope yong may sakit sa team ko ay maging okay na agad sila. Ang hirap magkasakit talaga…

So ayon, I stayed the whole Friday and Saturday sa bahay at balak ko hanggang Sunday sa bahay lang.  Babawi lang talaga ng pahinga.

And by the way, this is Yani, our pet cat, sobrang lambing nya. We have 4 cats at sya ang pinakamalambing sa lahat. These past few days na masama pakiramdam ko, hindi ko talaga sya mahawakan dahil nga nasa kwarto lang ako, kaya inaabangan nya ako sa labas ng room lalo na kung mag CR ako. Tapos ang mukha nya ang lungkot lungkot talaga. I just asked my sisters to give food and water kasi baka nagugutom, tapos sinasabi nila sa akin na busog naman daw. Pero I can feel na malungkot sya…

So kanina while watching TV, ayon bigla syang naglambing, hinintay talaga nya na umakyat na ang mga bata sa room nila para matulog, bago sya naglambing sa akin. Ayon ang sarap ng tulog nya sa dibdib ko. Siguro nag alala lang sya kung bakit hindi ako lumalabas kaya siguro panay ang akyat nya. Kaya din siguro malungkot sya.

Ganito pala ang mga pets ka sweet. Hindi kasi talaga ako mahilig mag pet pero napilitan lang ako sa kanila kasi gusto ng mga anak ko. Kaya ayan… natanggap ko na sila pero ako pala ang nahook.

Anyway, I hope everyone is okay..  I hope that if ever you are sick today because of the bad weather lately, I hope you will feel better soon.

That’s all guys!! More kwento next time…