Missing Her so Much!

It’s been 1 year and 6 months since Ayumi left us. Yesterday, we visited her spot and it seems that I lost her just yesterday. Everything still seems so fresh. I still wish to have her with us. Everyday I wish to hug and kiss her. I miss her sooo much!

Maraming mga bagay ang hindi ko na maexperience kasama sya. Marami akong hindi mawitness sa kanya, like nang papasok na sya sa school. Hindi ko man lang nakita na mag uniform na sya. Siguro ang cute nya kapag mag school na sya. Hindi ko man lang nakita na magstart na syang magbasa at magsulat ng name nya. Hindi ko man lang nakita na mag perform sya sa school activities. Hindi ko man lang sya makita na kukuha na rin sya ng drivers licensed nya at mag drive ng sarili nyang sasakyan. Hindi ko man lang makita ang magiging reaction nya kung reregaluhan ko sya ng kotse sa birthday nya. Madami akong gustong mawitness… madami akong gustong maramdaman toward her pero lahat yon hindi na mangyayari. Lahat yon wala na… at kahit kailan hindi na yon mangyayari kasi wala na sya. Parang lahat about her ang bilis lang. Parang lahat minadali. Parang sa 2 years na yon pinagkasya lahat lahat, both happy and painful moments.

Last night nakatulog na lang ako, I remember talking to hubby that I miss Ayumi so much and I wanted her back.. I want her so badly. Sya ang gusto ko… then my tears flow….