Sleepless Nights

I have 3 kids and I knew the feeling of having sleepless nights. During Gareth’s time, I am always alone with him at our room because hubby that time was still working at a call center. At night time, I take care of Gareth and he cried a lot every night and don’t want to sleep on our bed, He just wanted to be close to me the whole night. I can’t put him down because he started crying endlessly.

During Ayumi’s time, it seems so easy. She cried a lot too but I have hubby that time to help me. It seems relaxed. When we looked back now, it seems that we forgot some of the details already about Ayumi. We hardly recall how we take care of her when she was a baby. All I remember was, we are busy working and she is just around us while we are working. Palitan kami ni hubby sa pagkarga sa kanya. Wala syang yaya that time kaya alam namin kami ang nag alaga sa kanya pero parang hindi na namin maalala lahat ng details at nagtataka talaga kami, samantalang kay Gareth parang sobrang fresh pa rin sa akin lahat. May time pa nga na sobrang pagod na pagod na ako sa pag aalaga parang pinabayaan ko na syang mag iiyak at biglang pumasok sa kwarto ang katulong at kinuha na lang sya at ako wala ng reaction. Siguro pagod na pagod na nga ako non. Lahat tanda ko pa rin, pero kay Ayumi parang may binura sa memories naming mag asawa.

Now with Xavier, parang masyado kaming occupied sa pag aalaga sa kanya. Ayaw din nyang humiwalay sa akin, kapag kinuha na sya ng iba umiiyak na sya. Kaya nahihirapan akong lumabas basta ng hindi sya kasama. Every 4 hours gigising sya para magmilk at grabe para na akong zombie. Katulad kagabi, maya maya ang gising nya at sobra na syang malikot. Hindi naman pwede na hindi ko imulat ang mata ko kasi natatakot ako na baka may nakatakip sa kanyang kumot kasi gusto na nyang matulog na nakataob, of course ayoko ng ganon kasi parang nahihirapan syang huminga. Kapag tulog na tulog na sya inaayos ko na ang higa nya.

Ayan bagong gising kami mukhang fresh na fresh lang pero gusto ko pa ulit matulog nan.

Mukhang maganda ang gising nya, samantalang ako parang hindi ko pa kayang tumayo. Kahit magkape pa siguro ako parang hindi ko pa rin kayang imulat ng matagal ang mata ko.

After ilang minutes tumayo na rin ako kasi ang likot likot nya, sinipa nya akong sinipa. It was already 10am, bumaba na kami at nag breakfast ako. Hinintay namin bumalik si hubby, sya kasi ang naghatid kay Gareth sa school. Pagbalik ni hubby umakyat ulit kami sa kwarto at naligo na si Xavier. Pagkatapos non, humiga na ako ulit. Hindi na talaga kaya…

Ang sarap ng tulog ko kasi ang lakas ng ulan at si Xavier ay nakatulog na rin pala sa tabi ko. Gumising ako ng 3pm na. hahaha nakabawi din ako.