Car Wash

Mahirap magpark kapag weekend sa Megamall. Weekends are my only options to go out kaya wala akong choice kundi makipagsamantala na makapagpark kami agad.

Nong papasok pa lang kami sa parking lot, may lumapit agad at tinulungan kaming hanapan ng space pero alam namin ang kapalit non magpacar wash kami.

Naawa talaga ako kasi simula sa baba hanggang sa top floor ay tinakbo lang nya yon. Parang gusto ko na syang pasakayin pero nauunahan pa nya kaming makarating sa parking area.

After ilang minutes na pag iikot ay nakahanap din kami ng space. Sobrang hiningal na sya kakaikot at sinabi ko na lang kay hubby na bigyan nya ng tip kasi kawawa naman.

Pagbalik namin, ang kintab na ng sasakyan namin. Happy kami sa naging outcome. 🙂