Gising pa…

It’s 2:30am at gising pa ako. Lahat ng kasama ko sa bahay tulog na tulog na. Lalo na ang mga babies ko. Sarap ng tulog nila. Pati si hubby ang lakas na ng hilik. heheheh minsan nga narecord ko pa ang hilik nya.

Kapag ganitong mag isa lang akong gising mas gumagana ang utak ko. Mas lumalabas ang mga ideas. Sana writer na lang ako ng kung anu anong novel tapos sisikat at gawing movie na parang Harry Potter lang ang peg pero hindi eh, wala akong talent magsulat. Dito lang makapal ang mukha ko sa blog ko.

Anyway, madami akong gustong gawin. Madami akong gustong umpisahan na business pero parang hindi pa right time. I am praying so hard to God na ibigay sana nya yong gusto kong business. Alam ko kailangan ko pang kulitin si God para ibigay nya yon sa akin. At siguro ihanda ko din ang sarili ko kasi malamang malaking responsibilidad yon.

So habang naghihintay ako sa tamang pagkakataon na yon, I am just taking my time slowly. Taking it one day at a time. Alam ko darating din yon…

 

Sige.. sleep na ako, baka abutin ako ng liwanag na gising pa. Feeling vampire lang…

 

Goodnight!