Rainbow Baby

Here with me is Xavier, our rainbow baby.

Parang kelan lang nasa tummy ko pa sya, ngayon 6 months na sya at kumakain na ng solid food. Sya ang bida dito sa bahay araw araw. Nakakatuwa syang alagaan. 🙂

Buong araw kaming magkasama kapag weekdays, I see to it na makita lahat ng developments nya. Nong umalis kami papuntang Clark, naiiyak ako na iwanan sya, kahit 2 days lang. Parang hindi na ako sanay na lumayo sa mga anak ko. Kaya habang malayo ako panay ang follow up ko sa kanila.

I think magpakabit na ako ng CCTV sa bahay para all the time macheck ko sila kapag wala kami sa bahay.

I can’t believe that I will feel this way again. Nong nawala kasi si Ayumi, akala ko hindi na ako sasaya pa. Akala ko hindi ko na mafeel ang ganito ulit. I am thankful for having Xavier and Gareth in our lives, kahit na ganon ang nangyari kay Ayumi. Maraming nagbago simula nong nawala si Ayumi. Marami din akong natutunan.

Lahat yon nakatatak na sa amin at kahit pa anong mangyari, hindi namin makakalimutan si Ayumi.

 

Comments are closed.