Akala Ko..

Akala ko Linggo ngayon, Sabado pala…

Kagabi inisip ko na linggo na ngayon at isang tulog na lang Monday na, may meeting ako sa Makati pero Sabado pa pala.

Wala akong plano ngayong Sabado pero eto… kailangan  may gagawin ako.

Eto ang nakakainis sa December, maraming activities hanggang sa nakalimutan na ang araw at hindi normal ang mag trabaho ng todo kasi holidays nga. Ang lamig lamig pa, gusto kong matulog na lang pero hindi pwede dahil hindi na ako inaantok.

Gusto kong gumala pero tinatamad naman ako, kailagan ko kasing i-preserve ang energy ko sa mga dadating na araw dahil siguradong puyatan na naman at malamang sobrang traffic. Kailangan kong ipunin ang good mood ko. Saan ko kaya pwedeng ipunin? Ipasok ko kaya sa freezer ang good mood ko para mapreserve ng mabuti para kunin ko na lang kapag bad trip na ako sa mga nangyayari sa buhay ko.

Wala ang yaya, 2 days ng naextend ang vacation nya. Kaya kasama ko palagi ang mga bata, kaso tulog naman wala akong makalaro kaya eto sa blog ko na lang binubuhos ang time ko. Oo nga pala naghahanap ako ng book ng Best of Me sa Amazon pero sold out, nakakaloka, kaya ayon audible ang nakuha. Nakakainis pa ang internet ko kasi ang bagal mag download ng audible. Eto pa pala, may ginagawa pa ako… gagawa ako ng photobook ni Ayumi, kaso ang bagal mag upload ng pictures nya, kaya waiting period na naman.

Lagi ba talagang naghihintay? o minsan sana may maghintay naman sa akin? ahahahha awsss… meron na siguro. pero yon nga lang hintay hintay pa.. at malamang mapapagod din yon sa kakahintay.

Meron bang taong hindi napapagod? ako kasi wala akong pasensyang maghintay. Whatever I want, gusto ko makuha agad, kapag ginawa ko na lahat para makuha ang isang bagay na gusto at ayaw pa rin ibigay sa akin, yon deadma na sa akin. Move on na ako. Pero kapag internet ang mabagal, dyan naiinis ako, pero dyan ako natutong maghintay lalo na kung may projects akong gagawin. So may exempted pala, marunong din pala akong maghintay.

O sya, panuorin ko na lang ang mga movies na nakastock dito sa Laptop ko, baka sakali maubos ko na to at magpadownload ako ng bago.

Have a cold Saturday everyone!