Birthday Post

Happy birthday to me!

Hindi pa ako natutulog. I just want to stay awake and just eat everything hubby prepared. Everything he cooked is really special and I feel so blessed to have a husband like him.

Well, I don’t really feel something special about my birthday because when I was a kid, our birthdays are just like any ordinary day. May mga time nga noon na wala kaming handa basta ang importante ay magsisimba kami at sama sama kaming kakain kung ano man lang ang makakaya. Most of my birthdays ay walang cakes at spaghetti pero okay lang sa akin yon. Eldest kasi ako, kaya nakita ko ang hirap ng mga magulang ko sa aming limang magkapatid. Kung ano ang meron kami, yon ang pinagkakasya sa amin. Most of the time kulang ang kinikita ng magulang namin kaya hindi na ako nanghihingi sa kanila. Kung ano ang binibigay nila sa akin ay yon na ang pinagkakasya ko.

Lumaki akong simple lang ang buhay. Wala akong branded na damit, sapatos at laruan kasi mas priority namin na makakain kami ng tama. Mahirap kami pero  hindi kami nagugutom. Palagi kaming may pagkain at don ako proud sa mga magulang ko. Hindi nila kami hinayaan na magutom. Hindi nila pinaramdam sa amin na walang wala talaga kami. Tinuruan nila ako na bigyang halaga ang mga bagay na mas importante.

Now that I just turned 36 (OMG), I want a simpler birthday, just like the old times. I just want to celebrate it with my family. 🙂