On Duty

Hubby and I decided na isama si Gareth today to have his hair cut. Ang haba na kasi ng buhok nya.

I am glad na sanay si Gareth to socialize because some kids na pareho sa case nya ay hindi kayang ilabas ng magulang na hindi nagtantrums.

May mga tantrums din si Gareth but we can manage it well. Kaya din nyang icontrol ang sarili nya on public. Sobrang bihira lang nangyayari on public. Siguro kasi nong maliit pa sya sinanay namin syang ilabas palagi. Sanay syang makisalamuha ng ibang tao. Sanay sya sa ibat ibang lugar. Hindi ko hinayaan na ikulong lang sya sa bahay.

Hubby and I decided na magkaroon na ng training si Gareth na maglakad sa mall na hindi na namin palaging hawak. Minsan binibitawan na namin sya para alam namin kung kaya na ba nya.

This was taken at Starbucks while waiting for his order. Favorite nya ang choco donuts ng starbucks. 🙂

I will be posting more about our experience on taking care of Gareth with special needs para don sa mga parents na hindi alam kung ano ang gagawin nila sa anak nila.

I am not an expert on handling special kids but what I am sharing is on how we take care of him that made him ready to go out just like any normal kids.