Kulitan

Before my kids sleep, we still have kulitan moments. Yan yong maghaharutan muna kami. Si Xavier panay ang sabi ng I love you and I miss you Mommy. Mag goodnight sya pero maya maya may mga sasabihin pa sya. Usually umaabot ng 2 hours yan, kaya para makatulog agad sila, dapat off ko na ang ilaw.

Yan si Gareth, nakita nya that I am taking pictures, biglang nagpose. hahahah Matagal pa yan nakakatulog. Gusto nya may sounds bago matulog.

Si Xavier, sasabihin pa nya “it’s so dark outside Mommy” tapos maglalambing pa muna. Gusto pa nya kamutin ko ang likod nya bago sya matulog. Kapag sumasakit na ang kamay ko kakakamot ng likod sasabihin ko na lang na may may sugat na para ipatigil na nya.

I love spending quality time with my kids. Ganito din kami dati with Pillow. Kaya may time na bigla na lang akong nalulungkot kasi naiisip ko si Pillow at sana kasama namin sya kapag nagkukulitan kami. Siguro nakikita or nararamdaman ni Xavier kapag malungkot, just like yesterday, he suddenly asked me “Are you happy Mommy?”

I really don’t know what to say first pero sinabi ko na rin na hindi, kaya ayon bigla syang sumayaw at kumanta. He has his own way of making me happy and I think that is more than enough to appreciate life. It is still a good life…  a life that I should live for a moment.