Bagyong Ompong

Hindi kami makatulog last night dahil kada check ko sa FB ang lakas ng hangin at ulan sa ibang lugar. Everytime may bagyo ganito ako, nag alala ako sa mga kamag anak ko sa baba at sa mga empleyado. Nagmamasid lang ako. Panay check  ko sa CCTV sa office. Kapag may nagchat na empleyado na hindi makakapasok, kailangan namin mag cope agad kasi hindi pwedeng walang tao sa office.

Then suddenly, nag iiyak si Xavier, akala namin basta lang na iyak kasi ganon naman ginagawa niya every  night kapag ka kailangan nya ng milk o kaya to change diaper pero ayaw pa rin nyang tumigil kakaiyak. When I checked him, nagulat na lang ako kasi namamaga ang upper lip nya. Pati parang may kagat ng bugs sa mata at sa braso nya.

Nagpanic ako kasi  nga namamaga sya.

Ayon madaling araw tinanggal ang mga kumot at pillows at nag spray kami. Only to find out na may mga maliliit na ants sa bottle nya. Sobrang hindi pansin talaga. Kasi nong nagtimpla kami nakaoff ang ilaw, hindi talaga pansin.

Lalo na akong hindi nakatulog. We put ice cubes and put some ointment para mawala ang sakit. Sobra kasi ang iyak nya. Siguro after 30 minutes nakatulog ulit sya pero panay pa rin ang check ko sa kanya.

Around 5am na kami natulog but before that I realized na dapat lahat ng bagay dapat nachecheck ko para hindi na maulit yon. Dapat yong bottle nya bago namin ibigay dapat double check talaga. There are things na nakaligtaan na but for the sake of my kids safety dapat lahat ayos talaga.

Kaya eto biglang bumalik na naman ang trauma sa akin. Haist… iba na talaga. So many things changed already. Hindi na ako yong dati na parang carefree lang. Dapat lahat ngayon iniisip ko na ang safety ng mga tao sa paligid ko.

Ompong you made me realized so many things.

When I checked FB at nakita ko ang mga affected sa bagyo, nakakaawa talaga. I hope they can recover soon.

God please protect us always…

One thought on “Bagyong Ompong”

Comments are closed.