Our yearly family reunion is always on January 1st.

Umulan o umaraw tuloy ang get together namin. Sobrang lakas ang ulan nong January 1, nong nagcheck ako sa fb group chat namin nako madami na sila don, nagpost pa ng lechon. Matutulog na nasa ulit ako kaso naisip ko minsan lang kami magkita kita kaya dapat pumunta kami. At syempre may ambag ako don sa lechon baka magalit silang lahat sa akin. Ang lalaki pa naman ng mga katawan ng kamag anak ko, takot ko na lang sa kanila. ahhaha

Dumaan pa kaming All Home para mamili ng regalo, yon yong best time mamili kasi wala ng laman ang mall na tao at marami pa rin sale.

Bumili akong 4 na gifts para sa aming apat, hindi na namin sinama ang mga bata kasi malakas ang ulan at most of the time naiinis lang sila.

So pagdating namin nag start ng magpicture taking by family.

Ang saya lang…

Tapos umpisa na ang bigayan ng pera sa mga bata at pati kaming mga matanda nakipila na rin.

Medyo humina na ang ulan at lumabas na kami para magpicture taking. Medyo masikip sa loob at dumadami na talaga kami.

Next year dapat may maluwag na kaming venue. Dumadami na kami at naglalakihan pa at hindi na kami kasya sa bahay ng tita namin.

then nag start na ang exchange gifts namin. Mostly mga pambahay na gamit ang mga regalo namin para magamit ng bawat family.

Kaya ang natanggap namin ay rice cooker and lutuan feeling namin bagong kasal kami. Kaya ayan ang naging picture namin.. parang bagong kasal lang. hahaha

Ang saya saya, natapos kami ng 12 midnight! Kahit medyo masama pakiramdam ko pero kapag kasama ko na sila nagiging okay na ako.

Simula maliliit pa lang kami magkasama sama na kami, nasa Cagayan de Oro pa kami nakatira ganyan na kami kaclose. Salamat sa parents namin na palagi kaming pinagsasama sama.

Family indeed is the best support. We are always here for each other.

I am so lucky to have a family like them…

Thank you so much God for giving me a wonderful family!

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *