4 Months… Nagtanan

Okay.. here’s a little chika about my employees.

Dalawa sa spa therapists ko ay nagtanan. OMG talaga…

The night bago sila nagtanan, nagmeeting pa kami at the same time swelduhan nila kaya ayon nagkaroon ako ng chance na kilalanin sila. To my surprise the next day ay nagtanan na sila. Wala silang relasyon prior to that. Ang female medyo matagal sa akin, mga mag one year na at ang male bago pa lang, wala pang one month. hay naku… mga sakit sila sa ulo. Sana lang alam nila ang consequence sa mga ginawa nila.

Ang isa ko namang spa therapist ay nagpaalam na magresign kasi mag aasawa na sya. Syempre wala naman akong magawa, hindi ko naman sila pwedeng pigilan, masaya pa nga ako kasi nagpaalam. So eto na, nong last day nya, binigay ko na ang sweldo nya and to my surprise, 4 months pa lang pala silang magkabf-gf. Grabe! ano ba ang nangyayari sa mga kabataan ngayon? Akala ba nila sa pag aasawa ay basta basta lang. Sana man lang bago sila magsettle down ay umabot muna sila ng kahit 1 year. Nakakaloka talaga!