Thoughts

Ang daming nangyayari sa buhay ko na minsan ko hindi ko na kaya. Siguro lalong lalo na nong time na nawalan ako ng anak, na hanggang ngayon ay mahirap pa rin intindihin but you know what, I decided to move on and just live each day, kasi kung hindi ako titigil kakatanong kung bakit nangyari yon, malamang hindi pa rin ako okay ngayon.

Sa buhay ko marami na rin ang nag take advantage. Marami na rin ang gusto akong pabagsakin. Marami ang hindi naniniwala sa akin at marami na hanggang ngayon ay gusto pa rin akong ibagsak. Sobrang daming ganong pangyayari pero never akong gumawa ng paraan para sirain din sila. I just do my thing and never wasted my time with those idiots. I never gave them the satisfaction to ruin my life, dahil kung hindi sila masaya sa buhay nila, hindi ko hahayaan na pati buhay ko ang maging kagaya ng buhay nila. Don ako may control, don ako may freedom kung alin lang ang hahayaan ko na makaapekto sa buhay ko at kung sino at alin lang ang gusto kong papasukin sa buhay ko.

I can easily block people away from my life. I think I master that already. Kapag alam ko na may hindi magandang maidulot sa buhay ko ay inaalis ko na sa system ko. Hindi ko kailangang hayaan na malason ako sa mga ganong klaseng tao. But don’t get me wrong… I know who and how to keep people and I made sure to keep them so close to me that I can protect them with all my might.

Now that I started my business, I meet different types of people, may iba na parang mga vampire na gustong sipsipin lahat ang meron ka at may iba naman na parang mga alimango na gusto kang hilahin pababa at masaya kapag bumagsak ka na. Sobrang dami… kaya kung minsan nakakatakot. Mas gustuhin ko pang mag isa na lang kung ganon din naman ang nasa paligid ko. Kaya I can’t let my guard down, but I don’t let those people control me and I do my best to protect of what I have and continue to focus on my goal to achieve my purpose in life.