Grateful

We had an invitation from our client to visit US, but I was so hesitant to go but since they already invited us so we just applied for the US visa.

So, I let hubby do the filing and process. I just review our docs and help him prepare the requirements. After months of thinking if we really wanted to do the whole process, I finally give in.

We filed on the 3rd week of July then had our interview appointment on the first week of August. Just after our anniversary. We stayed at the nearby hotel para hindi kami malate sa appointment namin.

Our scheduled was 10:45am, We arrived around 10:15am. Nilakad lang namin from our Hotel to Embassy at medyo malayo pala. Mabuti na lang, I was not wearing heels.

No cellphone and any gadgets allowed so I never get a chance to take pictures.

We stayed at the waiting area, outside of the building first. Medyo mainit nong araw na yon kaya medyo uneasy ako. May mga dumating na senior citizens pero hindi agad sila pinapasok. Yong mga may babies sila ang pinapasok ng una.

11 am na pero hindi pa rin kami pinapasok. Medyo nakakaidlip na ako kasi kulang ako ng tulog the night before. Nanibago ako sa hotel room namin, hindi masyadong malamig ang aircon.

Around 11:15 pinapasok na kami, medyo nakakaidlip na ako sa labas. Mabuti na lang nakapasok na kami at medyo malamig sa loob.

First we went to a window to check our appointment schedule. Our pictures was checked also. Then we went to a different window for finger print scanning. Dito medyo natagalan si  hubby kasi masyado nyang nadiin ang daliri nya. Hindi pala dapat ganon. Mukhang nenerbiyos lang sya.

Then on the last part was interview. Eto ang matinding hintayan. Nakatayo yata ako ng almost 2 hours. I am carrying my celine yellow bag and its quite heavy. Mabuti na lang talaga naka flat shoes ako kasi kung hindi baka umupo na ako katabi ng mga senior citizens. Nakakaloka talaga. Alam mo yong feeling na kinakabahan ka na tapos inaantok ka pa at feeling ko nagugutom pa ako. Sobrang sari sari na ang nararamdaman ko that time.

Nong tinawag na kami, nawala na lahat ng pagod at gutom ko. Pero masakit pa rin ang paa, balakang at kamay ko. Mabait naman ang nag interview sa amin. Sobrang konti lang ang mga tinanong nya sa amin. Tinanong lang nya kung ano ang ginagawa ko sa buhay at kung magkano income ko. Tinanong din nya kung ilan ang anak namin. Gusto ko pa sanang magkwento tungkol don sa isa kong anak na nawala pero wag na lang… baka umiyak pa ako don.

Basta kung ano ang tinanong yon lang din ang isasagot mo. Walang extra kwento ha at dapat eye contact. Kasi matindi sila kung tumingin, malalaman nila kung nagsisinungaling ka. At eto pa, bago pa kayo pumunta don, malamang na research na nila ang buhay nyo, kaya ang interview, confirmation na lang yon sa lahat lahat ng info na meron sila sa inyo. Important thing is you have a STRONG TIES to go back to Philippines, dapat hindi ka don maghahanap ng work o kaya mag TNT. Ayaw nila ng ganon at malakas silang makaamoy sa mga ganon.

Siguro 5 minutes lang yong interview sa amin, sobrang bilis lang talaga. Then the interviewer smiled and informed us that we should our visa in 7 business days.

So there you go… Everything is so worth it.

We had our interview at Thursday then on Saturday, just 2 days after, we got our Passports delivered and we have 10 years multiple entry Visa! wahhhh

Hindi na ako nakatulog nong nakita ko na…

So thankful to God for all the blessings… to this unexpected blessings.