Nalipasan ng Tulog

I supposed to sleep earlier but something came up at kailangan tapusin. Nakakaloka! Biglang nawala ang antok ko. Bigla akong nagalit! May hindi kasi sumunod sa gusto ko kaya ang ending rework at apektado agad ang scheds. 

Hay! Minsan napapagod din ako. Tulad ngayon, ilang buwan na akong stressed at gusto ko ng magbakasyon pero hindi pa talaga pwede. 

Pero alam ko malapit na… konting tiis na lang. Ang hirap kasing umalis na may mga pending works. Kaya eto tiis tiis muna. 

Hindi ko pa magawang matulog, may hinihintay pa akong report. 

Okay… kahit nakakapagod ang ginagawa ko kasi minsan ako lahat nagdedesisyon pero masaya naman ako. Kaya carry lang kasi choice ko naman eto at eto talaga ang gusto kong gawin. 

Lalo na ngayon na may 2 websites kaming inaasikaso. Sobra palang matrabaho to…. pero excited ako sa maging output. 

Wish us luck everyone!