Bubbly Mom
Sakit sa UIo

Sakit sa UIo

Okay.. I need to rant

Oct. 5, habang nasa office ako, I received a text message sa kasambahay namin. May imeet daw sya na pinsan sa Ynarez, so ako naman pumayag. Kasi feeling ko kailangan nya ng time lumabas labas at baka stressed na sya, kasi palagi na lang sya sa bahay.

Sinabi ko na dapat before 10pm nakauwi na sya. Around 10pm tinatawagan ko pero hindi sumasagot. Nagtext sya na hindi daw sya makakauwi, kinabukasan na daw.

Nakakainis kasi lahat kami may kanya kanyang schedule, tapos biglang aalis ng ura urada.

Here comes Oct. 6, lahat kami nag alala na kung nasaan na sya. Hindi pa rin sya umuuwi. Nagtext sya na nasa Paranaque daw sya at hindi na nya alam kung papano umuwi. Nong tinatawagan namin, hindi na namin macontact. Off na ang phone. Nakakaloka!

Ang alam namin may bf sya sa Pampanga, so malamang nagpunta sya don. Dala din nya ang pera ng kapatid ko, na pwede nyang gamitin pamasahe papunta don.

Eto pa, may anak syang 3 years old na babae at iniwan nya ngayon sa amin. hay talaga!

Hindi namin alam kung ano ang gagawin naming schedule sa mga lakad namin ngayon dahil walang maiiwanan sa mga bata.

Parang ayoko ng kumuha ng katulong, sakit lang sa ulo.

Hindi ko na nga pinapakialaman sa mga gagawin sa bahay, hinahayaan ko na lang para hindi naman ako sobrang sungit sa kanila pero ang ending umaabuso naman.

Kapag natuto na talaga si Gareth at Xavier na maglinis ng bahay at maglaba, hindi na ako kukuha ng katulong. haist!

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to Top