Bubbly Mom
Saturday

Saturday

My Saturday

I just stay at home since our kasambahay was not yet home and I already decided not to accept her anymore. Mahirap na magtiwala sa ganong klaseng tao. To think na kamag anak pa namin sya.

Iniwan pa nya ang anak nya sa amin na isa ngayon sa alagain namin. Pareho silang 3 years old ni Xavier so times 2 lahat ng kakulitan. I can’t even think straight dahil hindi ko nga maset ang priorities ko kasi biglaan ang nangyari.

May mga lakad na kaming nacancel kasi walang maiiwan sa mga bata. Sana nagsabi sya na ayaw na sya para nakapagready na kami. Sa ngayon hindi pa rin nya sinasabi kung ano ang balak nya sa anak nya. Hindi pa rin sya nagtext na kung kukunin na ba nya. Parang walang balak talaga. Hindi ko maisip na hinayaan lang nyang iwanan ang anak nya ng ganon ganon lang.

Some are suggesting na kunin ko na lang ang bata, pero paano kung dumating ang time na kunin na lang basta basta sa akin, eh di sasama pa loob ko. Sa ngayon hindi din  talaga namin mag alaga pa ng isang toddler lalo na at sobrang demanding sa time at attention si Xavier. Hindi pwedeng mahati ang attention ko sa kanila. Kaya wala akong choice kundi i-turn over ang bata sa DSWD kung hindi pa rin nya kukunin.

Anyway, I surprised Xavier with this new toy. We just hide it para ibigay sa kanya kapag nagsawa na sya sa iba nyang laruan.

 

He was so happy when he received his food truck. 🙂 He loves cooking so this one is really perfect for him.

I also exercise 30 minutes. It is already a routine, at least 3 times a week. So parang nasanay na ang katawan ko na gawin to. Kung hindi ko magawa parang may kulang.

Actually, I already reached my 120 lbs. target weight. I am so happy kasi feeling ko malaking achievement to kasi for a long time na gusto kong maglose ng weight ngayon pa lang nangyari.

I am back to my old weight before I got pregnant of Gareth, but the problem is the tummy area. Ang hirap na talaga kapag na CS kasi parang ang hirap paliitin ulit ang tummy.

So far, I had a great weekend.

I am preparing myself for the busy week ahead.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to Top