Kick!

I need to send her more messages para lang matablan. Basta na lang nya iniwan ang anak nya. I need to give her a lesson na hindi pwedeng basta basta iwanan ang anak. Kasi kung masasanay sya, baka mamaya mag anak na lan sya ng mag anak at iasa palagi ang bata sa ibang tao.

After sending her 3 long text messages, dumating sya. Hindi pa rin nya naikwento ang buong pangyayari kung bakit sya napadpad sa Paranaque samantalang ang paalam nya dito lang sya sa Antipolo. After a week pa nya bago binalikan ang anak nya na wala man lang pasabi kung ano ang plano nya. Natakot kami na kung ano na ang nangyari sa kanya, uso pa naman ngayon ang basta na lang mawala yon pala nasalvage na.

Ang akala pala na pwede ko pa syang tanggapin. Ngek, wala akong planong magdagdag ng sakit ng ulo. Madami na akong inasikaso para magdagdag pa ng iuntog sa ulo ko. Wala akong time na mag adjust sa kanya. Not to mention na muntik pang masunog ang bahay dahil sa kanya. Mabuti na lang at ang lutuan namin ay sa labas ng bahay kasi kung sa loob pa yon, malamang nasunog na kami. Nong una syang nagkamali, hindi ko man lang sya inaway. Pero grabe na talaga ang takot ko non kasi nandon si Gareth at Xavier sa harapan ng apoy. Nakakaloka! Ang ginawa ko lang non sa kanya ay kinuha ang cellphone na provided namin. Pinagbawal ko na din sa kanya ang gumamit ng laptop at cellphone. Simula non palagi na akong may takot kapag sya ang nasa kusina. Kapag wala kami, palagi akong nakatutok sa CCTV para lang mamonitor ang mga ginagawa  nila sa bahay. So nawalan ako ng peace of mind dahil sa kanya.

Sobrang dami ko na yatang trauma, tapos nadagdagan pa nya. Kaya nong bumalik sya, kulang na lang talaga durugin ko sya. Kaso iniisip ko masasaktan din ako kapag sinapak ko sya ng todo, sayang naman ang skin ko kung magkapasa din. Kaya pinahakot ko na lang ang gamit nya. Eto pa, sinundo nya ang anak nya na wala man lang syang pera, so pagkatapos ko syang awayin nagbigay pa akong 500. haist! Kung hindi lang ako naawa sa bata.

Anyway, ang mahalaga nakaalis na sya. Wala na akong takot na kung ano pa ang pwede nyang gawin sa mga bata at dito sa bahay. Sa ngayon, ayoko ng kumuha ng katulong. Nakakatakot na. Ako pa ang mag aadjust sa kanila.

I am just happy that finally I kick her ass out!

 

FINALLY…