Errands Day

July 7, 2016

We need to purchase 10 more computers for our BPO business and I am so thankful for this new project and I am really looking forward that it will work. Building this kind of business is not easy since we don’t have high capital to start with, so what we did was just add computers that needed and also depends on our budget. We will only add if we have budget and projects, kaya medyo mabagal at mahirap lalo na at hindi naman agad agad may payments from the clients. Kailangan pa naming magkasale o kaya mareach ang quota. Minsan kapag walang sales pero kailangan pa rin magbayad sa staff, ayon kailangan maghigpit ng sinturon. Importante din kasi sa akin na hindi madelay ang sweldo ng mga employees kaya kahit mahirap go pa rin.

If you want to have this kind of business dapat may extra cash ka talaga lalo na kung hindi pa naman agad agad na kikita, actually, sa lahat naman ng talaga ng business ganon dapat. Hindi mo agad asahan ang business lalo na kung nagstart pa lang kasi kung ganon ang agad ang goal mo ay may posibilidad na hindi magtatagal ang business.

Anyway, maulan yan kaya a little selfie can make me feel good. ahahhah

Waiting time habang nag assemble ng mga computers. We bought our PC supplies at Gilmore at may suki na rin kami don. So far naka 25 PCs na kami sa kanila at may discount na kami. Sana lang may free snacks na next time lalo na kung matagal ang waiting time.

img_6672.jpg

Nong pauwi na kami, sobrang traffic na kaya ayan dumaan muna kami sa starbucks. My favorite lasagna sa starbucks.

Then we headed to office para magset up ng PC’s pero mukhang hindi ko na kaya. I just stayed until midnight kasi antok na antok na ako. Kahit manood pa ako ng movie sa office pumipikit na talaga ang mata ko. Nagpahatid na ako sa bahay at natulog ng maaga.

Pag uwi ko, kasama ko ang mga bata matulog pero bago yon nag away pa kami ni Gareth at Xavier dahil mukhang ayaw pa nilang matulog dahil wala ang daddy nila.

Nakakaloka!