Los Banos is a special place for me. After Cebu, I went to Los Banos because my family transferred while I was in Cebu.

A place I learned so much about life.

Sobrang hirap ng buhay namin non sa Los Banos.

Si Mama nagtatrabaho sa beauty parlor at si Papa construction worker.

Kailangan kong magworking student kasi hindi talaga nila kaya bayaran tuition fee ko non. Lima kami at ako ang panganay.

I worked as a factory worker, night shift ako palagi para sa araw mag aaral ako. Sobrang hirap kasi malayo ang work sa bahay hanggang sa hindi ko na kayang pagsabayin ang work at studies. Mas pinili kong magwork na lang kasi mas kailangan namin ng pera.

Sobrang hirap nong time na yon kasi kahit pambayad sa ilaw at renta ay hindi namin kaya.

Parang wala kaming nakikitang pag asa non na umangat sa buhay.

Mga kapatid ko sobrang naapektuhan sa nangyayari sa buhay at umalis sila ng bahay.

Sobrang lungkot ko non, kasi feeling ko ang gulo gulo ng pamilya ko. Watak watak na kami.

Si Mama at Papa hindi na nagkakaintindihan. Palagi na silang nag aaway.

Hanggang nagkasakit si Mama, hindi namin maintindihan ang sakit non ni Mama. Don na depress din si Papa. Everynight na syang nag iinom  ng alak. Mainitin na ang ulo.

Pakiramdam nya bagsak na bagsak na kami.

Yon naman yong time na dito na kami sa Manila nakatira. Umpisa na ng career ko non sa Call Center.

Kahit papano nakakapagbigay ako sa kanila para sa renta at bills.

Pero hindi pa rin sapat.

Humina na lalo si Papa non. Everytime nasa hospital sya ako ang nag aasikaso sa bills. Hindi ko nga alam kung pano ko nalampasan lahat yon non.

Hanggang naging Stage 4 na ang Liver Cancer nya.

Gusto pa nyang lumaban nong time na yon kasi may mga maliit pa kaming mga kapatid.

Palagi ko kasing sinasabi sa kanya non na hindi ko kaya na wala sya. Kaya ayon lumalaban sya.

Hanggang sa tingin ko na hindi na talaga  nya kaya.

Don na kami nag paalamanan…

Sabi ko sa kanya na pwede na syang umalis… ako na bahala. Pero dapat bantayan pa rin nya ako kasi hindi ko kaya mag isa ang lahat.

Nong nawala sya sobrang depress ako.

Hindi ako makatulog…

Hindi ko pa rin matanggap na wala na ang taong naging lakas ng pamilya namin. Kapag may tatay ka kasi feeling mo may taga pagtanggol ka, na kaya mo lahat kasi andyan ang kakampi mo.

Dahil don kahit matagal na kaming wala sa Los Banos, hindi pwedeng mawala kami don, kasi andon si Papa. Don sya nakalibing at para sa kanya yon ang bahay nya. Marami ang nabago kay Papa simula nong lumipat kami sa Laguna at dahil don naging close kami.

Kaya sa Undas hindi pwedeng hindi namin sya dadalawin.

I left my heart in Los Banos at taon taon kong binabalik balikan….

 

I miss you so much Papa!

Thank you so much for looking after us all through these years…

Ginabayan mo ako palagi at yong pangako mo sa akin talagang tinupad mo.

Salamat!

Ngayon buo na ulit kaming magkapatid kasi tinulungan mo akong maging okay ang lahat.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *