Walang araw na hindi ko naiisip si Papa at si Ayumi. Everyday I wish that they are still with us. Sana kasama ko pa rin si Papa at nakasama syang naenjoy ang success ko ngayon. Sana andito pa rin sya para makita nya na marunong na akong magdrive at may sarili na akong bahay. Sana kasama ko pa rin sya at nakita nya kung paano ako dumidiskarte sa buhay ko ngayon. Sana kasama ko sya at siguro mas masaya kung andito sya. Siguro mas masaya kaming magkapatid kung kasama namin sya sa bawat lakad namin.

Marami akong namimiss sa kanya kahit na nong bata pa ako ay hindi kami closed kasi very strict sya. Namiss ko ang mga kwentuhan namin at syempre ang mga luto nya.

Pero kahit na hindi namin sya kasama, alam ko naman na sya ang gumabay sa aming magkapatid. Sya ang kasama ko palagi para maging iisa kaming magkapatid. Sa ngayon, masaya na rin siguro sya kasi hindi kami watak watak. Kahit papano nagkaroon ng direction ang mga buhay ng mga kapatid ko. Masaya sya kasi nagawa ko ang gusto nyang sama sama kami. Alam ko masaya na sya at alam ko na hindi nya kami pababayaan.

 Kapag ganitong Undas, mahirap talaga sa akin ang dalawin si Ayumi. Kasi diba mas dapat mauna ang magulang na mawala at hindi ang anak ang mauuna sa magulang. Sobrang effort sa akin ang puntahan sya kasi masakit pa rin talaga. Tatlong Undas na pala…

Hindi ko akalain kung papano ako nakasurvived sa pagkawala nya. Hindi ko alam kung natanggap ko na ba talaga… hindi pa rin siguro…

 

Kapag nanghihina ako, tinitingnan ko na lang si Gareth at Xavier. They are the reasons why I am still here. They are the reasons why I need to stay strong.

  

Minsan hindi pa rin talaga ako okay, at siguro normal lang yon. But I am getting used to it and eventually handled it well.

 

It's been 5 years and I still think about you everyday. I miss you so much Allan. I will always love you.: