Bubbly Mom
When…

When…

When you don’t know what to do, you better have a dessert it might make you feel better.

It’s Ayumi’s 5th death anniversary and I am feeling down.

I wanted to go somewhere.. I wanted to be in the beach and just let my mind and body relax but it seems that I can’t do it since we are saving for our new office, so I have no choice but to take everyone to Ice Berg’s in Eastwood and just have our Ice cream and my favorite crepe.

 

Marami pa ring mga tanong pero parang nakakasawa nang magtanong.. kasi minsan hindi ko pa rin nakukuha ang tamang sagot.

Kaya parang gusto ko na lang mag enjoy kasi alam ko naman na hindi naman talaga nawawala ang problema. It’s on how you deal with it.

Kaya kung feeling ko nalulunod na ako sa sari saring emosyon na meron ako, lumalabas na lang ako. Sinubukan kong tingnan ang mga bagay bagay sa paligid ko.

Baka sakali maging okay ako..

Most of the time nakakatulong naman..

Lalo na kung lalabas akong kasama ang pamilya ko.

 

Ayumi, sobrang miss na talaga kita. Grabe 5 years na pala.. pero bakit parang hindi pa rin nababawasan ang sakit.

Pero sinusubukan ko naman.. lalo na at nandyan si Xavier at Gareth. Sila ang nagpapasaya sa akin araw araw.

Minsan kailangan ko lang talagang magfocus sa mga bagay bagay kasi yon ang mahalaga.

Hindi ako pwedeng maging mahina kasi madaming tao ang umaasa sa akin.

Siguro kahit umabot pa ng 20 years ang pagkawala mo Ayumi at lahat ng tao ay wala ng idea kung sino ka sa buhay ko dahil malamang hindi ka nila kilala, siguro mananatili ka sa akin. Hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo. Anak sana gabayan mo pa rin kami palagi.

We miss you so much!

Back to Top