At Clarkfield Pampanga

Sept. 19, 2014

Maaga kaming natulog kasi kailangan naming bumiyahe to Clark, Pampanga for my hubby’s hobby. He will be having his training at TRS. Pero around 2am, sobrang lakas na ng ulan at may kulog pa. Feeling ko hindi na kami matuloy kasi ang pangit ng panahon. At 8am, gumising na kami at tinawagan ang Racing School kung tuloy pa rin ba ang event on the next day at sabi nila tuloy na tuloy. No cancellations. Nakakaloka!

Nagbook na rin kami ng hotel kaya sayang talaga kung hindi kami matuloy pero wala kaming choice kasi hindi na passable ang Cainta. Wala na kaming pwedeng daanan. Malamang lulubog ang sasakyan namin.

So ayon, we waited and keep on checking kung saan pwede kaming makadaan. Around 11pm, we finally knew where to pass. Ang ibang area na binaha ay ok na so ayon naglakas loob kaming bumiyahe. Sabi ni hubby, basta makalampas lang kami ng Cainta ay ok na kami.

Umalis kami ng bahay ng 11pm at nakarating sa Hotel ng 3am. Medyo mabilis ang biyahe namin.

Pagdating namin sa hotel ay natulog agad kami at gumising after 3 hours.

Nakakaloka! antok na antok pa ako.

Dumating kami sa area ng around 7am, tapos na kaming mag breakfast non pero pagdating namin don wala palang food, kaya ayon, lumabas ulit kami para bumili ng food.

We stayed at Hotel Stotsenberg.

So far, ok naman ang hotel pero medyo palpak lang ang Phone nila. May sira yata kaya kung may kailangan kami, kailangan pa ni hubby bumaba sa reception. Mabuti na lang nasa 2nd floor lang kami nagstay kaya mabilis lang syang makababa.